Abby's POV: "I'm heading home now." Sabi ni Steve. Hindi naman nagsalita ba si Luke at humarap ulit si Steve. "Just so you know, Catherine is here with me. Kakauwi lang naman kagabi ng pinas." Tumingin naman ako sa reaksyon ng asawa ko pero hindi na nabago ito. Tahimik padin at mukhang malalim nanaman ang iniisip. *** Umalis na nga ang kapatid nitong si Steve. Habang si Luke naman ay napaupo sa sofa at napapahilot sa ulo niya. Alam kong may bumabagabag dito, hindi naman ako manhid at alam ko kung ano ang nangyare base palang sa mga pinagusapan nila kanina. Nakatayo lamang ako sa harapan nito habang pinag mamasdan siya. Nalulungkot ako sa nangyayare. Hindi naman ako manhid na tao. Ang kinakatakot ko lang paano kung iwan ako ni Luke? Halata dito na may nararamdaman pa siya para k