Abby's POV: Ilang araw na ba? Hay ilang araw ng hindi ako pinapansin ni Luke. Sa twing tatanungin ko naman siya lagi siyang umiiwas. Nalulungkot ako simula ng nangyare yung gabing yun nagkaganun na siya. Bumaba ako dala dala ang anak kong si Alaura. Nakita ko si Mildred na naghahanda na ng tanghalian. "Magandang tanghali po Señorita nakapagluto na po ako ng Kare Kare ang paborito niyo, matatapos na rin tong sinigang na hipon." "Wow hipon ang sarap naman naglalaway na tuloy ako." Sabi ko habang buhat buhat ang anak namin ni Luke. "Mildred? Ang Señorito niyo ba kumain ng almusal? Tinanghali na kasi ako ng gising eh napuyat kasi ako dito kay Alaura pinadede ko din kasi." Sabi ko. "Ah hindi na po Señorita, nag kape lang po siya at kagad ding umalis. Pinagbilin pala niya bago umalis na