UNTI-UNTING nagising ang aking diwa sa naririnig kong tunog ng mga ibon. Hindi ko muna minulat ang mga mata ko dahil ang bigat pa ng aking mga talukap at gusto ko pa sanang bumalik sa pagkakatulog. Ilang segundong gising ang ulirat ko pero na’ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango, I opened my eyes. “Good morning, my Angel.” Na’ng marinig ko ang boses na iyon, binalingan ko ng matalim na tingin kung saan ko banda nararamdaman ang presens’ya ni Kruger. Nakita ko s’yang naka-upo sa Cleopatra sofa—sa paanan nitong kama n’ya. Naka-harap s’ya sa ‘kin. Ang kan’yang braso, naka-patong sa ibabaw ng sandalan habang naka-tukod ang likod ng kan’yang kaliwang palad sa kaliwa n’ya ring pisngi. Naalala ko bigla ang ginawa n’ya sa ‘kin kaya dahan-dahan akong bumangon sa kinahihigaan at umupo sa k