PARANG pinasabugan ako ng bomba sa aking narinig mula kay Dominik. Lumaki ang mga mata ko at hindi naka-galaw sa kinauupuan. Gumapang ang pangmamanhid sa buong katawan ko. “N-No…” Dahan-dahan akong umiling-iling habang naguumpisang umutal-utal ang aking pag-hinga. “Please tell me nagbibiro ka lang!” Sumigaw na ako. Lalo lang ako nanghina na’ng umiwas si Dominik ng tingin at pumikit ng mariin. “I-I am sorry, Miss Anghelina.” Biglang uminit ang magkabilang sulok ng aking mga mata. Napa-tulala ako na’ng maalala ang ngiti kanina ni Athalie. “f**k. Let’s go back!” Hindi ako naka-kurap. Bumalik na si Dominik sa kan’yang sinasakyang kotche at humarurot naman ang sasakyan namin pabalik sa gate 5. “Baby.” Naramdaman kong pinunasan ni Kruger ang tumutulong luha sa aking mga mata gamit ang mga