BROWN “Magiingat kayo ni Rose sa loob ng hideout. Huwag kayong magdalawang isip na humingi ng tulong kapag may mangyaring hindi maganda.” Iyan ang aking paalala kina Mang Berting at Rose. Nasa labas na kami ng private lot. Lalakarin pa nila tuwid na kalsada bago marating ang bahay na iyon. Ngunit sa gubat kami dadaan para hindi kami makita ng mga bantay. Lalong-lalo na ako. “Masusunod, Ginoong Brown,” tugon ni Mang Berting. “Aalis na kami. Dapat sabay tayong lahat na makarating doon," Rose said. “Yes. It must be. Tara na, umalis na tayo.” Sumangayon silang lahat. Humiwalay na kami ng landas nina Rose at Mang Berting. Nilakad nila ang sementadong daan habang kami naman, makikipagsapalaran sa masukal na gubat. Sumama sa akin si Mang Rolan. Apat kami dito sa kaliwang gubat at apa