ANGHELINA “You have done it well, Miss Anghelina. Congratulations on the safe and normal delivery,” masayang usal ni Crista. Kakalabas lang ng dalawang doctor dito sa kuwarto ko. Kakatapos lang din nila malinisan ang kambal kong naka-balot na ng puting lampin ngayon. Naka-higa ako sa tabi nila habang nanghihina. Mahigit dalawang oras at kalahating minuto ako nag-tiis sa labor pain. Pakiramdam ko, parang mamamatay na ako sa sakit. Naubos ang lahat ng naipon kong lakas pra i-ire lang ang unang lumabas na si Anghelisha. Six minutes ang pagitan bago lumabas si Darius. Parang mangiyak-ngiyak na si Crista habang naka-agapay sa uluhan ko. S’ya ang c-comfort sa ‘kin. “Diyos ko, salamat talaga at walang naging problema sa panganganak n’yo, Miss Anghelina.” Naka-upo s’ya sa kabilang side