ANGHELINA SEVERAL DAYS AGO “She’s still stalking me?” Iyan ang seryosong tanong ko kay Brown. Pormal n’ya akong tinanguan. Nagaagahan ako ngayon sa loob ng dining room. Ako lang mag-isa dahil na-late na ako ng gising. Kanina pa ng ala siete pumasok sa school si Anghelita habang si Mama naman, naglilinis dito sa loob ng mans’yon. “Yes, Miss Anghelina. According to our investigation, madaling araw na umuuwi si Athalie at bumabalik kapag sisikat ang araw.” Huminga ako ng malalim. Nitong mga nakaraan, 2 days ago—nakatanggap ako ng balitang pinaalis na pala ni Kruger si Athalie sa black mansion. I don’t know what’s gotten into him at kaagad n'yang pinalayas si Athalie. Ang bilis n'ya mag-desisyon. Hindi ko rin alam kung may katotohanang nag-hiwalay na sila. Malay ko ba kung sila 'yong ma