NABIGLA ako sa sinabi sa ‘min ni Gideo. Hindi ako naka-galaw sa loob ng isang segundo. Bumilis ang pintig ng puso ko. “N-No! Please! A-Ayaw kong pumunta sa lugar na ‘yon!” Biglang umalingawngaw ang malakas na boses ni Athalie at sinabayan pa ng malakas na hagulgol. Saglit akong pumikit ng mariin. “A-Angel! P-Please! Don’t let them take me away!” Na’ng minulat ko ulit ang aking mga mata, lumuhod na pala si Athalie sa aking harapan. Hindi alintana ang pagdurugo ng kan’yang sugat sa kaliwang hita. Binabaan ko s’ya ng tingin. She was crying her eyes out. Alam n'ya ang kan'yang sasapitin kapag Doon s'ya dinala. “If you don’t want to get punished, don’t do bad things right?” Narinig kong nag-salita ulit si Gideo sa driver seat. Doon ko s’ya binalingan ng tingin habang um-e-eco ang pag-iyak n