Katulad ng naging plano, sa mismong araw ng paglilipat nina Kieran sa Manila International Jail ay sumabog ang sinasakyan nilang police mobile. Pero bago sumabog ay pinababa muna sina Kieran, Diego at Drake. Pati na rin ang mga pulis na kasabwat nina Markiel sa plano. May ipinalit sa kanila na mga notorious criminal na wala raw pag-asa na magbago. May inilagay sina Markiel na DNA nina Kieran para tumugma sa imbestigasyon. Pagkatapos sumabog ay kaagad silang inilipat ng sasakyan at dinala sa isang safe house. Doon na rin sila naghiwa-hiwalay ng landas nina Diego at Drake. Pero inilihim ni Kieran sa dalawa niyang kasamahan ang totoong dahilan ng pagtakas niya. Katulad ng inaasahan ni Kieran, sobrang nagluksa ang kaniyang buong pamilya dahil sa "pagkamatay" niya. Ramdam ng binata na 'tulad

