Kinabukasan, pagkatapos na tumakas nina Bernard ay nakatanggap ng tawag si Kieran mula kausap niyang alagad ng batas. Muli nitong inialok sa kaniya ang sinasabi nitong "misyon", na magiging way out daw ni Kieran sa kasalukuyan niyang sitwasyon. "Sigurado ka ba na wala kang kinalaman sa pagtakas ni Ledesma at ng iba pa niyang kasamahan?" paniniguro nito sa kabilang linya, public phone sa kulungan ang gamit ni Kieran kaya kailangan niyang hinaan ang boses. Napamura nang mahina si Kieran. "Kung may kinalaman ako, eh, 'di sana ay wala na rin ako rito. And besides, mas interesado ako sa ino-offer mo kaysa ang maging pugante. Gusto ko lang ng mas malinaw na kasunduan." Narinig ni Kieran na sarkastikong natawa ang kausap sa kabilang linya. "You are really a clever man, Balinger. No doubt kung

