Pakiramdam ni Kieran ay para siyang natuklaw ng ahas. Napakaimposible ng sinasabi ni Reza na siya raw ang serial killer. Siya mismo ang magpapatunay na mali ang sinasabi ni Reza. Dahil silang "dalawa" ni 'Colt' ay iisa. At si 'Colt' ay halos magdamag lang na nag-alaga sa kanilang mga anak. Ang isa pang ipinagtataka ni Kieran, imposibleng mamukhaan siya ni Reza. Dahil ang mukha ni Kieran ay tatlong taon ng "patay"... "f**k! f**k! Damn you, Cat! Damn you!" Kuyom ang mga kamay na pinagmamasdan ni Kieran si Bernard na kanina pa nagwawala sa loob ng selda. Walang tigil ang pagmumura at pagsumpa nito sa pangalan ni Joanna. Pumalpak kasi ang misyon ng Animaux na itakas sa Manila International Jail si Lady Fox. At hindi lang basta pumalpak. Nahuli pa sila ng mga alagad ng batas. At 'yon ay dah

