Ilang beses pang nasundan ang pamamasyal nina Reza at ng kaniyang mga anak na kasama si Colt, na madalas nilang pag-awayan ni Dale. Ngunit wala ng makakapigil pa kay Reza na makipaglapit kay Colt, kahit ang sarili pa niya. Wala siyang laban sa malakas na utos ng kaniyang puso. Sumasama rin siya kay Colt sa pamamasyal kapag maaga ang uwian nilang dalawa. Katulad ngayon, napagkasunduan nina Reza at Colt na dumaan muna sa pinakasikat na waterfront sa Canada. "Just keep it. Treat kita ngayon dahil sumahod na ako." Tinanggihan ni Colt ang perang inabot ni Reza na pambayad sana para sa ice skating nila. "Marami akong overtime kaya malaki-laki ang sinahod ko." "Pero hindi naman ako nagpapalibre, eh," giit ni Reza. He frowned at her. "But I insist. At magtatampo ako kapag tinanggihan mo. Tuwin

