Nagising si Reza na wala na sa tabi niya si Colt. Napatingin siya sa orasan. Alas siyete na ng umaga. Marahil ay maaga ang pasok ng nobyo kaya hindi na nahintay ang paggising niya. Nakaramdam ng lungkot ang dalaga. Na-miss niya kaagad si Colt. Aktong babangon na si Reza nang bigla siyang mapatingin sa picture ni Kieran na nasa side table. Napatitig siya sa mukha ng dating nobyo. Naguluhan ang dalaga nang bigla siyang makaramdam ng pangungulila habang nakatitig sa larawan. At naroon na naman sa kaniyang puso ang dati niyang pakiramdam kay Kieran, na ngayon ay kay Colt na lang niya nararamdaman. Nalilito na kinuha ni Reza ang picture frame para titigan ito sa malapitan. Kamukhang-kamukha ito ng Kieran na nakita niya noong nakaraang gabi. Pero bakit parang magkaiba ang nararamdaman niya nga

