"D-Dale, kailangan kong pumunta sa libing ni Kieran. Utang na loob, gusto kong makita kahit sa huling sandali ang boyfriend ko. Please?" Kulang na lang ay lumuhod si Reza sa harapan ni Dale para lang payagan siya nito na pumunta sa libing ni Kieran. Ilang beses din siyang nagmakaawa na pumunta sila sa burol ni Kieran pero hindi rin siya pinayagan ni Dale. Masiyado raw delikado para sa kaniya. "Okay lang kung magalit ka man sa'kin, Rez. Basta uunahin ko ang safety mo," mariing katuwiran ni Dale. "It's final. Hindi tayo pupunta sa libing ni Kieran bukas. I'm sorry." Tinitigan nang masama ni Reza si Dale, sa pagitan ng luhaang mga mata. "H-hindi mo kasi ako naiintindihan, eh. Hindi mo naiintindihan ang sakit na nararamdaman ko." Nabasag ng kaniyang tinig. "D-Dale naman, huling araw na ni

