"Mukhang sa kasalan na mauuwi ang relasyon n'yo ni Reza, ah," tukso ni Monn kay Colt. Siguradong narinig ng mga kasamahan niyang janitor ang kakatapos lang na pag-uusap nila ni Reza sa cellphone. Nasa canteen kasi sila at sabay-sabay na kumakain ng lunch. Noon pa mang pagkatapos ng birthday ni Karen at nalaman ng mga kasamahan ni Kieran na inihatid niya si Reza, hindi na siya tinantanan ng tukso ng mga ito. Bagay na bagay daw kasi silang dalawa. Hindi na rin tumanggi at nag-deny pa si Kieran. Paano nga ba niya iyon gagawin kung talaga namang bagay sila ng kaniyang mahal na si Reza? Lalong tinukso ng mga ito si Kieran nang magkaroon na sila ng relasyon ni Reza. Napaka-sweet daw kasi nila sa isa't isa. Palagi raw silang sabay na umuuwi, kumakain, at namamasyal kung saan-saan. Tinutu

