"Wow! That was so cool, Tito Colt!" tuwang-tuwa na bulalas ni Damien pagkatapos itong isama ni Colt sa pag-ice skating. Pareho silang walang pasok ngayon ni Colt kaya napagkasunduan nilang ipasyal ang mga anak ni Reza. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ang malawak na ice shrink. Kaya imbes na sa Christmas Market, dito muna sila nagtagal sa waterfront. "Me, too, Tito Colt!" nag-uunahang hiyaw nina William, Tucker, at Reese. Parang hindi pa nagsasawa na kinalabit din ni Damien si Colt. "Ako din po ulit, Tito Colt, ha. Gusto ko po uli sumama sa inyo. Super nag-enjoy po ako unlike before. Hindi n'yo po kasi kasing galing si Daddy Dale, eh. Natutumba po siya kung minsan," nabubulol pa kaunti na sabi ni Damien. Aliw na aliw na ginusot ni Colt ang buhok ng mga anak ni Reza. Hindi man lang i

