Medyo makapal pa ang snow sa paligid nang makalabas sa snack bar sina Reza at Colt, na dinaanan nila bago sila umuwi. Sa loob ng sasakyan na nila pinahupa ang pag-ulan ng snow. At nauwi na naman sa mainit na tagpo ang paghihintay nilang dalawa. "Walang sinabi ang mga nakaparadang Ferrari na 'yan dito sa bulok kong kotse," biro ni Colt kay Reza pagkatapos nilang pagsaluhan sa backseat ang mainit na sandali. Malakas ang loob nilang gawin iyon dahil bukod sa makapal ang snow sa paligid, wala ring katao-tao sa parking lot ng mga oras na 'yon. "Siguradong inggit na inggit ang mga 'yan." "At bakit naman?" medyo hinihingal pang tanong ni Reza sa nobyo. Nakabukaka pa siya sa kandungan at nakakapit sa batok nito. Kapwa sila walang pang-ibaba ni Colt. "Dahil imposibleng lamigin ang makina nitong

