Chapter 81

2082 Words

Nagkakasiyahan na ang mga bisita ni Karen sa malawak na bakuran nito nang dumating si Reza. Halos kalahati ng mga bisita ay mga taga T.A.B. Laboratory na katrabaho ni Karen. Halos lahat ay mga katulad din nilang Pinoy. Ang iba namang mga bisita ay mga kasamahan nila sa Toronto Filipino Community at naging malapit na rin nilang kaibigan. Kaagad namang masayang sinalubong si Reza ng iba pa nilang mga kaibigan. "Akala namin ay hindi ka na darating, eh," salubong sa kaniya ni Danica na may hawak na wine glass. "Well, nandito na ang pambato namin," biro naman ni Rosalie. May kausap itong mga taga-T.A.B. Laboratory. "Si Reza ang pambato ngayon ng Toronto Medical Centre. Sino ang sa inyo?" Binalingan ni Rosalie ang kausap nito, na natatandaan ni Reza na si Cheska at isa ring Pinay janitress sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD