"Hindi ba alam ng Colt na 'yon na may pagala-galang serial killer sa gabi, at gabing-gabi ka na niya inihatid?" Marahas na lang na napabuntong-hininga si Reza nang marinig na naman niya ang sermon ni Dale. Kagabi pa lang nang ihatid siya ni Colt at ito ang nagbukas ng gate, ganito na ang litaniya ng kaibigan. Hindi na nga nila ito pinatulan ni Colt nang pagalitan sila nito. "Araw-araw ba nating magiging problema ang pakikipagrelasyon ko kay Colt, Dale?" Hindi na napigilan ni Reza ang sarili na mainis. "Kasi if yes, then, mabuti pang umalis na lang kami sa bahay mo. Bukas na bukas din ay maghahanap kami ng malilipatan ng mga bata. Ayokong araw-araw tayong nagkakasamaan ng loob." "After all these years, Rez?" Tila masama ang loob na nilingon siya ni Dale. "Pagkatapos ng lahat ng isinakrip

