Mukhang tama nga ang sabi ni Colt na hindi na nito kayang pigilan pa ang sarili. Dahil imbes na sa apartment sila tumuloy, sa malapit na hotel nito dinala si Reza. "Sabi ko sa'yo, eh, mapapagastos ka talaga kapag ako ang kasama mo," natatawang reklamo ni Reza nang makapasok sila sa hotel room. "Ang mahal-mahal ng binayaran mo, eh. Hindi mo pa tinanggap ang share ko." "Maghahanap na lang ako ng part time job kapag free time ko. Para dagdag income." Nanggigigil na pinisil ni Colt ang kaniyang baba. "At kaya hindi ko tinanggap ang share mo dahil balak kong singilin ka sa ibang paraan." Ramdam na ramdam ni Reza ang pagba-blush nang maintindihan ang sinasabi ni Colt. "I assume na dahil kuripot ka kaya hindi ka rin gan'on kamahal kung maningil," biro ng dalaga. Naningkit ang mga mata ng bin

