Kakalabas lang ni Kieran sa gas station nang biglang may bumunggo na mamahaling kotse sa kaniyang sasakyan. Sa lakas niyon ay muntik na siyang bumangga sa gutter ng kalsada. "s**t!" hindi napigilan ni Kieran ang mapamura nang malakas habang sinusundan ng tanaw ang kotseng bumunggo sa kaniya. "f**k you!" malakas niyang sigaw nang ilabas niya ang ulo sa bintana. Ang buong akala niya ay sadyang nagmamadali lang ang driver niyon kaya siya nabunggo. Pero bigla na lang inilabas ng driver ang kamay at nag-middle finger. Sinadya pa nitong bagalan ang pagmamaneho na para bang hinihintay na magkadikit sila. At nang makalapit na ang kotse ni Kieran, saka ito bumuga ng tambutso at humaharurot palayo. Habang panay ang taas ng kamay na naka-middle finger pa rin. Sigurado si Kieran na tinatawanan at in

