"Mommy, let's play hide and seek, please?" Walang nagawa si Reza kundi iwanan ang hinahandang merienda, nang hilahin siya ni Damien papunta sa sala. "Dahan-dahan lang, baby, at baka madapa ka," natatawa na saway niya sa anak na hindi magkaundagaga sa pagmamadali. Naaliw si Reza nang maabutan niya sa sala ang tatlo pang mga anak. Noon lang niya napansin na pare-pareho ang damit na suot ng mga ito. Pati na rin ang winter bonnet at sapatos. Tumatawang napailing na lang si Reza sa kakulitan ng mga anak. Nahuhulaan na niya ang gustong laruin ng mga ito. "Let's play hide and seek, Mommy. Tapos po kapag may nahanap ka, huhulaan mo kung sino," bibo na paliwanag ni Tucker. "Isang mali lang po, Mommy, taya ka na po ulit," dagdag pa ni Reese. Naghagikhikan ang quadruplets. Natawa sa pagkaaliw s

