Patulog na si Reza nang maramdaman niyang may tumabi sa kaniya sa higaan. Kaagad siyang yumapos sa beywang ni Colt nang mukha nito ang sumalubong sa kaniya. Dumukwang ang nobyo. "I miss you, baby," bulong nito sa pagitan ng mga labi niya bago iyon siniil at maalab na inangkin. Hindi nagtagal ay muling pinakawalan ni Kieran ang bibig niya. "Buong araw kitang hindi nakita at hindi ka nawala sa isip ko." "I miss you, too," ganting saad ni Reza na puno ng pananabik. Muling inangkin ni Colt ang kaniyang mga labi. Nakipagpalitan agad si Reza ng mga galaw ng bibig nito. Ibinabalik niya sa nobyo ang sensasyong dulot nito sa kaniya. Napadaing ang dalaga nang ipasok ni Kieran ang dila sa loob ng kaniyang bibig. God, she missed him so much. Bakit ba lagi na lang ipinaparamdam sa kaniya ni Colt, n

