Nasapo ni Kieran ang pisnging tinamaan ng kamao ni Markiel pagkatapos siya nitong sapakin dahil sa pagtatapat niya tungkol sa kaniyang mag-iina. Kung siya lang ang dating bad boy na Kieran, baka kanina pa niya pinatulan si Markiel. Pero aminado siya sa sariling pagkamamali. Hindi rin naman siya binigo ni Markiel. Nagpatalaga ito sa Canadian INTERPOL ng mga magagaling na taong magbabantay kina Reza kapag nasa misyon siya. "Wala kang ibang sisisihin kapag pumalpak ang misyon natin at nadamay ang pamilya mo," madilim ang mukha na sabi sa kaniya ng INTERPOL agent. "Pasalamat ka at may asawa't anak din ako. Naiintindihan ko ang damdamin mo. At kahit hindi naman kasama sa misyon mo ang tungkol sa serial killer, tinulungan ka pa rin namin. Ituloy mo lang ang pagsu-surveillance sa T.A.B. Laborato

