"C-Colt, please tell me, naniniwala ka sa'kin, 'di ba? Na hindi ako nagha-hallucinate o napa-paranoid lang?" Naaawang niyakap ni Kieran si Reza. Simula kanina nang sunduin niya ito sa presinto ay wala pa ring tigil sa pag-iyak at panginginig ang nobya. Paulit-ulit nitong sinasabing siya raw ang serial killer. Ang binata na nga mismo ang nagsabi sa mga pulis na patay na ang "Kieran Balinger" na pinagbibintangan ni Reza. Bukod sa ayaw ni Kieran na pati ang mga Canadian police ay imbestigahan si "Kieran Balinger", lalo pa ngayon na pinaghahanap ulit ang totoong serial killer pagkatapos na mapalaya si Dale, ayaw ng binata na patuloy siyang katakutan ni Reza. Ayaw ni Kieran na magsilbi siyang bangungot sa nobya. Tama na ang ilang taong pagpapaiyak niya rito sa dahil sa pagpeke niya sa kamatay

