Walang pasok ng araw na iyon si Kieran. Pagkatapos niyang siguruhing binabantayan ng kaniyang mga tauhan ang mag-iina niya ay nakipagkita na siya sa isang INTERPOL agent ng Canada na si Robert. Ito ang kinokontak niya kapag hindi available si Markiel. Alam din ni Robert ang totoong pagkatao ni Kieran dahil tauhan nito ang totoong Colt. "Who is Chief Luka?" tanong ni Kieran kay Robert nang magkita sila nito sa isang tagong lugar. Pareho ring nakatago sa makapal na winter hood ang kanilang mga mukha. At may suot din silang mga winter glass. "Have you ever heard that name?" Kumunot ang noo ni Robert. "How did you know that name?" balik-tanong nito kay Kieran. Dahil purong Canadian si Robert kaya kailangan niya itong Inglesin. "Narinig kong binanggit ni Uncle David ang pangalan na 'yon. Ipi

