Dahil hindi puwedeng iwanan sa gabi ang mga anak ni Reza na mga yaya lang ang kasama, kaya imbes na sa labas mag-dinner date ay niyaya niya si Colt na sa bahay na lang mag-celebrate ng kanilang monthsary. Maaga na lang niyang pinatulog ang quadruplets para masolo nila ang isa't isa. Mula sa second floor ng bahay, napakatamis ng ngiti na pinagmasdan ni Reza si Colt na matiyagang nakaupo at naghihintay sa kaniya sa sala. Hindi ito kakitaan ng pagkainip man lang sa mukha kahit ang tagal-tagal niyang naligo at nag-ayos. Hanggang ngayon ay maayos pa ring hinahawakan ni Colt ang flower boquet na bitbit nito kanina nang dumating. Lumuwang ang pagkakangiti ni Reza. He still waited. Patiently. He looked so attractive in his winter suit. Hindi niya magawang ialis ang tingin kay Colt habang naglal

