Katulad ng napag-usapan nina Reza at Colt ay inilihim nga nila sa lahat ang tungkol sa nangyari sa kaniya nakaraang gabi. Mabuti na lang at wala si Dale sa bahay nang dumating ihatid siya ni Colt. Ngunit hindi akalain ng dalaga na ang pagkakaligtas niyang iyon ang magiging kapalit ng buhay ni Fritzel. Tinanghali ng gising si Reza kaya hindi na siya nakapanood pa ng morning news. Absent din si Donell kaya walang nagbalita 'agad sa kaniya. Nagulat na lang silang dalawa ni Dale nang pagdating nila ng nurse station ay nag-iiyakan ang kanilang mga kasamahan. Patay na raw si Fritzel! Pinatay daw ito ng serial killer kagabi. Mas maagang nag-out sa kaniya si Fritzel kahapon. Pero dumaan pa raw ito sa bahay ng bagong boyfriend. At nang umuwi na ito ng bandang alas nuebe ay saka ito nadale ng s

