Napasinghap nang malakas si Reza nang pagkapasok na pagkapasok nila ni Colt sa apartment unit nito ay kaagad siya nitong hinapit sa beywang at mainit na siniil ng halik. Kapwa habol ang hininga nang pakawalan nila ang isa't isa. "I miss you, Rez," may pagpipigil sa boses na bulong ni Colt sa puno ng kaniyang tainga. And then he pressed his lips on hers temptingly. "I miss you so bad..." "I miss you, too, Colt..." At muling inangkin ni Colt ang mga labi ni Reza. Mas mainit. Mas mapusok. Mas mapang-akin. Buong alab naman iyong sinalubong ni Reza. Sa sobrang intense ng paghahalikan nilang dalawa, feeling ni Reza ay nangapal ang kaniyang mga labi. Pati ang kaniyang dila ay parang nanigas dahil sa tuloy-tuloy nilang pag-espadahan. Pareho silang nahihirapang huminga ni Colt nang palayain nil

