Masayang nalalaro sa sala sina Reza at ang apat na mga anak, nang mapatingin siya sa labas ng bintana. Kumunot ang kaniyang noo nang may nakita na naman siyang mamahaling kotse na nakaparada sa tapat ng kanilang gate. Ilang araw na niyang napapansin ang magagara pero paiba-ibang kotse na tila nagmamasid sa kanila. Biglang kinabahan si Reza. Wala pa naman si Dale. Mula pagka-out nila sa work kaninang alas singko ay hindi pa ito umuuwi. Walang ideya ang dalaga kung saan pumunta ang kaibigan, kung bakit hanggang ngayong alas otso na ng gabi ay hindi pa rin ito umuuwi. Si Colt kasi ang naghatid sa kaniya kanina. "N-naka double lock na ba ang gate, Vilma?" tanong ni Reza sa Pinay na yaya ni William. "Yes po, Ma'am. Naka-set na rin po ang security alarm." Fully secured naman ang bahay. Napa

