Dumating si Reza sa presinto na mugtong-mugto ang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak sa biyahe. Akala nga niya ay natuyuan na siya ng luha. Pero nang madatnan niya si Dale na parang kriminal na nakasalampak sa sahig sa loob ng selda ay sumabog na naman ang mga luha ng dalaga. Awang-awa si Reza habang pinagmamasdan si Dale na nakayukyok sa sariling mga tuhod na animo'y talunan. Pakiramdam niya ay napunit ang kaniyang puso. At dahil fully secured ang selda na pinagkulungan kay Dale kaya tanging sa telepono lang sila puwedeng mag-usap, bagaman nakikita nila ang isa't isa. Lumiwanag ang mukha ni Dale nang makita siya. Para itong nabuhayan ng loob. "R-Rez, believe me, inosente ako!" kaagad na bungad ni Dale nang mahawakan ang telepono. Bakas sa boses nito ang takot. Lalo siyang naa

