Nagising si Reza nang maramdaman ang mainit na hiningang tumama sa kaniyang mukha. Napangiti siya nang makita ang nobyong si Kieran na nakahiga paharap sa kaniya. Kahit bagong gising at medyo magulo pa ang buhok, napakauwapo pa rin nito. Kahit kailan yata ay hindi magsasawa si Reza na titigan nang matagal ang kasintahan niya. Kapag nakikita niya si Kieran, feeling ni Reza ay kompleto na ang araw niya. Masaya na siya. Buo na ang mundo niya. At kapag nawala sa kaniya ang boyfriend, baka tuluyan na ring mawalan ng saysay ang buhay ni Reza. Baka hindi na niya gugustuhin pa ang ipagpatuloy ang buhay sa mundo. Siguro nga hindi perperktong tao si Kieran, na para sa iba ay masama itong tao, pero hindi na iyon ang inintindi ngayon ni Reza. Mas mahalaga na sa kaniya ang pagmamahal at kabutihang

