Napahinto sa pagsasara ng jewelry box si Reza nang mapansin niya ang maliit na box. Natutukso siyang buksan iyon. Ngunit alam ng dalaga na sa oras na binuksan niya iyon, sabay na magbubukas ang pinakamasakit na parte ng kaniyang nakaraan. At kapag nangyari iyon, maalala na naman niya ang mga araw kung saan ay paulit-ulit na namatay ang kaniyang puso, na hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin namang namamatay sa tuwing bumabalik ang sakit. Ayaw ni Reza na kalimutan ang sakit dahil doon na lang sila nagkakaroon ng koneksiyon ng nag-iisang lalaking minahal niya noon, at patuloy na minamahal hanggang ngayon. Ngunit sa tuwing sinasariwa ni Reza ang kirot sa kaniyang puso, nanghihina siya. Na para bang gusto na lang din niyang sumunod kay Kieran. Sa kaniyang si Kieran na kahit tatlong taon ng

