CHAPTER 52 Kung ilang minutong natigilan si Mattheo sa kanyang kinatatayuan ay hindi niya alam. Naroon lamang siya at nakatayo habang ang mga mata ay nanatiling nakahinang sa mukha ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang lahat ng mga sinabi nito. Oo at nagagalit siya sa ginawa nito kanina. Sa loob niya ay alam niya kung bakit hindi niya nais na mapalapit ito kay Emre. Though deep inside ay hindi iyon kayang tanggapin ng isipan niya. Hindi niya iyon kayang aminin sa kanyang sarili. At matapos niyang marinig ang lahat ng pag-amin ng dalaga ay biglang parang bulang nawala na lamang ang ano mang ngitngit na nadarama ni Mattheo. O mas tama bang sabihin na sa loob ng ilang segundo ay hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman matapos ng pag-amin ng dalaga sa nadarama nito para sa