CHAPTER 51 Agad ang pagtiim ng mukha ni Mattheo nang marinig niya ang naging sagot ni Zehra sa kanya. Kanina habang naghihintay siya rito sa loob ng ilang oras ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng galit at inis para sa dalaga. Nakararamdam siya ng labis na yamot para dito dahil sa pag-alis nito ng hotel nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Idagdag pa na ilang oras din itong nawala. Nakailang tawag na rin siya dito ngunit hindi man lang sinagot ng dalaga kahit isa sa mga tawag niya. He knew very well na alam nitong tumatawag siya kanina. At alam niya rin na sinadya nitong huwag sagutin ang mga iyon. Ang now, hearing her answer made him more furious as hell. Binalaan na niya ito na huwag nang ituloy ang planong paglapit kay Emre Ercel ngunit hayun at itinuloy pa rin pala nito nan