CHAPTER 50 Agad na hinamig ni Zehra ang kanyang sarili nang muli ay lumingon sa kanyang direksyon si Emre. Tapos na itong makipag-usap sa kung sino man sa cell phone nito at muli ay lumapit na sa executive desk nito. Doon ay ipinatong nito ang hawak na cell phone. Inayos ni Zehra ang kanyang pagkakaupo sa isa sa mga visitor's chair na naroon at marahan na tumikhim. Nang tuluyang makalapit si Emre ay naupo na ito sa swivel chair nito at humarap sa kanya. "I am so sorry for that. It was just a very important call so I have to take it," hinging-paumanhin sa kanya ng binata. Isang matamis na ngiti ang iginawad dito ni Zehra. Sadyang pinapalambing niya ang kanyang awra sa harap nito upang madali niyang makuha ang loob ng binata. "It was okay, Emre," saad niya sabay bawi sa sinabi. "Can I c