CHAPTER 49 Matapos ng lahat nang nalaman ni Mattheo kahapon ay mas nanaig sa kanya ang kagustuhan na maglagi pa ng ilang araw sa bansang Turkey upang alamin pa ang ibang impormasyon sa kung paanong nawala sa pamilya niya ang Orhan Real Estate. Nang sabihin sa kanya ni Zehra na ang lalaking pumaslang dito at ang siyang kumuha ng serbisyo nito upang patayin siya ay si Kerem Ercel ay labis siyang nabalot ng galit. Kerem was almost a family to them. Hindi niya sukat akalain na aabot sa ganoong kasamaan ang mga plano ni Kerem. Ganoon ba katindi ng inggit na nadarama nito para sa kanyang amang si Ozcan para humantong ito sa pagplano na ipapatay siya? Was he threatened dahil hindi niya pinaunlakan ito sa pagnanais na makakuha ng shares sa kanilang kompanya noon? Kaya marahil pinapatay siya ni