CHAPTER 66 Kanina pa nakapuwesto si Allana sa isang mesa na matatagpuan sa kanang bahagi ng restaurant na kinaroroonan niya. Ngayon nga ay ang muli niyang pakikipagkita sa may-ari ng naturang establisimiyento upang ipakita sa mga ito ang mga nagawa nilang ideas para sa print ads ng restaurant. Oo at napapayag niya ang kanyang ina na magtungo siya roon nang hindi na ipinagmamaneho pa ng driver na kinuha ng mga ito para sa kanya. Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin napanatag ang kanyang ina. Sa halip ay nagpumilit pa ito na magpasama na lamang siya sa kanyang kaibigan na si Krishna. Sa bagay na iyon ay walang problema para kay Allana. Maliban sa isang empleyado din ng Millares Advertising Company si Krishna ay walang kaso sa kanya kung makasama man niya ito sa pagtungo roon. Kanina ay