CHAPTER 65 "Mom, hindi na ako kailangang samahan at ipagmaneho pa ni Mang Ramil," wika ni Allana sa kanyang ina, isang umaga. Kasalukuyan na siyang nag-aayos ng kanyang sarili nang katukin siya ng kanyang ina sa kanyang silid upang ibilin na magpasama siya sa driver na kinuha ng mga ito para sa kanya. Ngunit mariin siyang tumanggi sa nais nitong mangyari. She knew how to drive. Kahit papaano ay hindi naapektuhan ng amnesia na mayroon siya ang kakayahan niya sa pagmamaneho ng sasakyan. Ngunit hindi pa rin mapanatag ang kanyang ina. Nang umuwi sila ng bansang Pilipinas at nagpumilit siya na pumasok sa Millares Advertising Company ay sadyang kinuhanan siya ng kanyang mga magulang ng sarili niyang driver. At iyon nga ay si Mang Ramil. "Hija, mas mapapanatag ang loob ko kung alam ko na may