CHAPTER 75 Matulin na lumipas ang maraming araw. Dumating din ang oras na mailalabas na ang print ads para sa restaurant na pag-aari ni Jane. Maging ang billboard na ginawa at dinisenyo ng kompanya na pag-aari nina Allana ay makikita na sa isang parte ng kahabaan ng kalsada sa may Makati City. Jane was so happy after seeing the ads on the magazines and newspapers. Maging ang billboard ay nakita na rin nito sa pamamagitan ng isang litrato na ipinadala ng isa sa mga staff nila sa restaurant. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin magawang makapasok ni Jane sa trabaho. Sa mga lumipas na araw ay dalawang beses nilang ipinasok sa ospital ang dalaga. Patuloy na hindi gumaganda ang pakiramdam nito. At mas ramdam niya ngayon, kumpara sa mga naunang araw, ang paghina ng katawan ni Jane. Nang araw n