CHAPTER 76 Kanina pa nakatitig si Allana sa kanyang repleksiyon sa salamin. Mag-aalas nueve na ng gabi at kasalukuyan siyang nasa loob ng banyo sa kanyang silid. Kanina pa siya pumasok roon at lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin siya lumalabas. Matapos niyang nakapagbihis ng pantulog ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan ang kanyang sarili mula sa salamin na nasa kanyang harapan. It was as if she was looking at another person. Mistula ba na nag-iba siya. Siya nga ba ang nag-iba o ang nadarama niya? Hindi niya rin maunawaan. Basta ang alam niya nang hagkan siya ni Miguel kanina ay may nadama siyang kakaiba. It was not different actually. Rather it was a familiar feeling that crept into her as he kissed her lips. Nang lumapat ang mga labi nito sa kanya ay h