CHAPTER 77 "Why are you doing all of this, Miguel?" bungad na tanong ni Allana sa binata, isang hapon nang magkasama silang muli. It has been two days since the kiss happened between the two of them. Matapos niyon ay ngayon lamang ulit sila nagkitang dalawa. Gaya ng madalas na gawin ng binata ay dinaanan siya nito sa Millares Advertising Company upang sunduin at ayain na kumain sa labas. Hindi niya sana nais na pumayag nang magpadala ito ng mensahe para ayain siya. Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan matapos ng halik na namagitan sa kanilang dalawa. But at the same time, she was thinking na baka nga ito na ang tamang oras upang kausapin niya ito tungkol sa mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Ang akmang pagbuhay ni Miguel sa makina ng sasakyan nito ay naudlot nang marinig nit