CHAPTER 78 Pagkahinto ni Miguel ng kanyang sasakyan sa harap ng Millares Advertising Company ay dali-dali na siyang nagtuloy sa may entrada niyon. Naroon ang isang security guard na dati pang nagtatrabaho roon kahit noong nasa MAC pa siya. Dahil sa kilala na rin siya nito ay naging madali para kay Miguel ang makapasok sa nasabing gusali. Idinahilan niya na nais niyang makausap si Krishna kaya agad din naman siya nitong pinahintulutan na pumasok. Sa bagay na iyon ay hindi siya nagsisinungaling. He really wants to talk to Krishna right now. Ito lang ang nakikita niyang maaaring makatulong sa kanya sa nais niyang mangyari. He wants to talk to Allana. He wants to tell her everything. Nais na niyang magpakilala dito. Nais na niyang sabihin dito kung ano ang ugnayan nila ng dalaga--- na nagk