CHAPTER 79 "Allana!" malakas na tawag ni Miguel sa dalaga. Sa mabilis na kilos ay tumalikod ito sa kanila ni Krishna at nagmamadaling tinungo ang kinaroroonan ng elevator. Sakto naman na may kalalabas lamang na dalawang empleyado mula roon dahilan para agad na makapasok si Allana sa loob. Bago pa man siya tuluyang makalapit ay dali-dali nang nagsara ang pintuan ng lift. "Allana!" pahabol niya pang tawag sa dalaga. Ngunit hindi na siya nito binigyan pa ng pagkakataon na makaabot upang makasakay sa elevator. Hindi mahirap hulaan na narinig nito ang lahat ng mga pinag-usapan nila ni Krishna. Bakas iyon sa ekspresyon ng dalaga kanina. Ngunit ang hindi niya maunawaan ay ang huling mga sinabi nito. He just used her?--- iyon ang ipinaparatang nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang ibig n