CHAPTER 80 "Miguel, nakikiusap ako sa iyo. Hayaan mo munang makapagpahinga ang aming anak," wika ni Mrs. Millares sa nagsusumamong tinig. "Ako ang nakikiusap sa iyo, Mrs. Millares. Hayaan niyo akong makausap si Allana. Hayaan niyo akong makita ang mag-ina ko," wika naman ni Miguel sa ginang. Kasalukuyan siyang nasa harap ng bahay ng mga ito. He was begging for her to call Allana and let them talk. Ngunit hindi man lang siya pinagbibigyan ng ginang. Ayon pa dito ay hayaan niya muna na makapagpahinga ang dalaga. Matapos na bumalik ang mga alaala ni Allana ay nais muna ng ina nito na iiwas ang dalaga sa ano mang bagay na maaaring magdudulot dito ng stress at ng maraming isipin. And Miguel can't accept her reason. Nais niyang makausap ang dalaga. Maraming bagay ang kailangan nilang pag-usa