CHAPTER 81 Nang sumunod na araw ay halos tanghali na nang bumaba si Allana mula sa kanyang sariling silid. Si Mattheo ay kanina pa kinuha ng tagapagbantay nito upang pakainin ng almusal. Ang totoo ay kanina pa siya gising ngunit mas pinili niya muna na manatili sa loob ng kanyang silid. Kagabi ay halos nahirapan siyang makatulog dahil sa kakaisip ng napakaraming bagay. Isa na nga roon ang mga sinabi sa kanya ni Miguel tungkol sa ginawa ng kanyang mga magulang sa bansang Turkey. She wants to know about it. At ngayon niya balak na kausapin ang kanyang ina ng tungkol sa bagay na iyon. Pagkababa niya mula sa ikalawang palapag ay nagtuloy siya sa kanilang komedor. Inaasahan niya na makikita roon ang kanyang ina. Madalas ay lagi itong tumutulong sa paghahanda ng kanilang tanghalian. Lagi nit