CHAPTER 56 Nagsumiksik sina Mattheo at Zehra sa tabi ng malalagong halaman upang maikubli ang kanilang mga sarili. Kapwa silang nakatitig sa bagong dating na dalawang sasakyan kung saan nagsibabaan ang ilang kalalakihan, kabilang na nga sa mga iyon ang lalaking hinihintay nila na dumating--- si Emre Ercel. Katulad sa isang maawtorisadong tao ay naglakad ito patungo sa entrada ng bahay na kanina ay tinuro sa kanya ni Zehra. Emre walked with so much authority. Kahit sinong makakita dito ay mangingilag na lumapit at makiusap sa binata. Sadyang mapanganib din ito kung titingnan. Bago pa man ito tuluyang makalapit sa bakal na gate ng bahay ay nabuksan na iyon ng isa sa mga lalaking kasama ni Emre. Pinaunang papasukin ang binata bago nagsisunuran ang mga tauhan nito sa paglalakad. Kung titin