CHAPTER 63 Miguel almost held his breath as he accepted Allana's hand for a handshake. Matapos ng mahabang panahon ay muli niyang nahawakan ang kamay ng dalaga. He held her hand longer than necessary. Wari ba ay nawalan siya ng lakas ng loob na pakawalan ang kamay nito. Hindi kailanman nawala sa kanya ang damdamin na lagi ay nadarama niya sa tuwing hahawakan niya ang dalaga. Naroon pa rin iyon sa kanyang dibdib at ngayon na nadaiti muli ang kanyang palad sa dalaga ay nadarama niya ang isang pamilyar na damdamin. Agad na bumaba ang mga mata ni Allana sa kanilang mga kamay na magkahawak pa rin. Napansin ng dalaga na hindi niya pa rin binibitawan ang kamay nito. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang pagkailang na agad ay rumehistro sa mukha ni Allana dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa ka