CHAPTER 62 Paglipas ng isang taon at pitong buwan: Marahan na itiniklop ni Miguel ang isang kapirasong papel at saka muling ibinalik iyon sa loob ng kanyang pitaka. Hindi iyon ang unang beses na binasa niya ang mga nakasulat sa naturang papel. Hindi na niya mabilang kung ilang beses nang paulit-ulit niya iyong nabasa. Halos memoryado na niya ang bawat katagang nakasulat doon. It has been one year and seven months. Sa loob ng mga panahong iyon ay hindi niya pa rin halos mapaniwalaan ang mga nakasulat sa papel na natagpuan niya sa loob ng kanyang pitaka. Hanggang sa mga oras na iyon ay inuulit niya pa rin na basahin iyon at nagbabakasaling namali lamang siya ng basa. Maraming nangyari sa buhay niya nitong mga nakalipas na buwan ang hindi niya mabigyan ng linaw. But when he read what was