CHAPTER 73 "Is there something wrong?" narinig niyang tanong ni Allana sa kanya. Marahil ay napansin ng dalaga ang bigla niyang pananahimik. Dahan-dahan ay naglakad ito palapit sa kanila sa may mesa. Allana sat at the chair beside Mattheo. Marahan pa nitong hinaplos ang manipis pang buhok ng bata. Bahagyang hinamig ni Miguel ang kanyang sarili at marahan na napatikhim. Muli ay pinagmasdan niya ang batang nasa kanyang tabi. Mattheo--- nagkataon lamang ba na ganoon ang pangalan ng kanilang anak? Ng kanyang anak? Or could it be that the man on his dreams was the one who named him? Hindi malayong ganoon nga ang nangyari sapagkat kung susumahin ay ito na ang nasa katawan niya nang mga panahon na iyon. Ito na ang kasama ni Allana nang magbuntis ito hanggang sa manganak. And it was possible